Nanawagan sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN si Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng matatag na aksyon laban sa transnational crimes.
Sa kanyang talumpati sa ASEAN Business and Investment Summit sa Laos, iginiit ng Pangulo na lumalala ang problema sa illegal drug trade na sumisira sa pagkakaisa ng lipunan at gayundin sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, banta rin sa pag-unlad ng rehiyon ang terorismo at marahas na extremism.
Dahil dito, hinimok ni Duterte ang ASEAN business community na magkaisa at tiyaking magtutuloy-tuloy ang pagsulong ng ekonomiya.
Mahalaga rin aniyang maisakatuparan ang mga free trade agreement ng ASEAN sa Australia, New Zealand, China, Japan, India at Korea.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AFP