Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga alkalde sa bansa na ituloy ang pagpapatupad ng social distancing sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa televised address ng pangulo, binalaan nito ang mga alkalde na kapag hindi nito naipatutupad ang social distancing sa lugar alinsunod sa umiiral na lockdown, ay hindi aniya siya magdadalawang isip na arestuhin ang mga pasaway na ito.
Kasunod nito, nagpaalala rin ang pangulo sa publiko na manatili sa kani-kanilang mga bahay at laging sundin ang mga umiiral na quarantine protocols.
Kayong mga mayors, ‘wag kayong maglaro. Kasi kung ayaw ninyo mag-social distancing, mapipilitan ako na puntahan kita at arestuhin kita,” ani Duterte.