(To be updated)
Nagpalabas na umano ng shoot to kill order si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.
Sinasabing tutukuyin din ng Pangulo ang mga ‘narco-politician’ ngayong araw na ito.
Matatandaang nanawagan ang Duterte administration nitong mga nakaraang araw sa lahat ng mga nakaupong pulitiko na sangkot sa illegal drugs na sumuko na at linisin ang kanilang mga pangalan.
Una nang sumurender si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at itinuro bilang drug lord ang kanyang anak na si Kerwin.
By Jelbert Perdez