Pinaratangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na nagkakanlong umano ng mga drug lord na siyang nagdadala ng droga sa Pilipinas.
Nilinaw naman ni Duterte na kahit sa China matatagpuan ang mga malalaking isda ay hindi siya pwedeng basta na lang pumunta roon at magdeklara ng giyera.
Dahil dito, sinabi ng Pangulo na nais niyang makausap ang ambassador ng China hinggil sa naturang usapin.
Matatandaang nagpahayag ang Chinese Embassy sa Maynila noong nakaraang linggo na suportado nito ang crackdown ng Duterte administration laban sa iligal na droga.
By Jelbert Perdez