Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 Association of Southeast Asian Nations – Republic of Korea (ASEAN-ROK) Commemorative Summit sa Busan mula Nobyembre 25 hanggang 26.
Ito ang kinumpirma mismo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kabila nang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan ng pangulo matapos magkaranas ng muscle spasms.
Ayon kay Panelo, kabilang sa magiging aktibidad ng pangulo ang bilateral meeting kasama si South Korean President Moon Jae-In.
Ilan aniya sa posibleng pag-usapan ng dalawang lider ang mga usaping may kinalaman sa kalakalan at seguridad.
Magugunitang naging kontrobersyal ang huling pagbisita ni Pangulong Duterte sa South Korea noong Hunyo ng nakaraang taon matapos nitong halikan sa labi ang isang pinay sa harap ng iba pang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.