Umabot na sa mahigit 50 kawani ng militar at pulisya ang nasawi sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Sinabi ito ng Pangulo, sa kanyang pagdalo sa National Convention of Philippine Association of Water Districts sa Davao City.
Muli din itinanggi ng Pangulo ang mga akusasyon na mayroong basbas ng pamahalaan ang pagpatay kaugnay sa droga.
“I know that my soldiers are brave there are some matter of fact died, extra judicial killing son of a… I have lost 32, 33 soldiers now and 26 policemen have died, gave their lives in the fight of this drugs, kung extra judicial killing di barilin mo na lang, bakit mo pa harapin?”, pahayag ni Pangulong Duterte.
By: Katrina Valle / Race Perez