Muling nagbabala sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa panibagong pag-atake ng mga terorista sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati kasabay ng pamimigay ng financial assistance sa mga biktima ng pambobomba sa Davao City, isiniwalat ng Pangulo na maaaring maganap ang isa pang pag-atake sa rehiyon o kaya’y sa iba pang bahagi ng bansa.
Giit ng Presidente, may bagong henerasyon ng mga terorista na nakikipag-alyansa sa Islamic State o ISIS at nagbabalak ng mga pag-atake sa Kamindanawan.
Magugunitang umabot sa 15 katao ang nasawi sa pagsabog sa isang night market sa Davao City habang mahigit 70 iba pa ang nasugatan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jelbert Perdez