Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tinaguriang “ninja cops” o yung mga pulis na sangkot sa illegal na droga.
Sa talumpati sa oath taking ng mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), na bagama’t nabawasan na ang narco generals pati ang mga sindikato ng ninja cops, wala aniyang ibang patutunguhan ang mga ito kundi mamatay dahil sa kanilang kasalanan sa bayan.
Yung mga generals pati yung ninja cops, they are still around but I reduced to about apat na lang, and they will all die because may kasalanan sila sa bayan,” ani Duterte.
Ayon pa sa Pangulo walang kawala sa kaniya ang mga tiwaling pulis na ito dahil kahit aniya tapos na ang kaniyang termino at nagsanga ang kanilang mga landas ay babarilin pa rin niya ang mga ito.
Ngayon, kung hindi ko sila maabutan pag hindi na ako mayor, babarilin ko pa rin sila pag nakita ko. Same, whether I’m President or ordinary, pag nagkita tayo at alam kong galit ka sa akin dahil sa droga, eh magbabarilan talaga tayo,” ani Duterte.