Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabiktima umano siya ng “fake news” kaya’t naakusahan nito si Vice Pres. Leni Robredo na nag-iimbita ng prosecutor mula sa United Nations.
Ayon sa pangulo, ito’y batay aniya sa mga naririnig niya sa balita kaya’t nalalaman na niyang fake news ang mga natanggap kapag lumikha na ito ng ingay at marami na ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon.
Magugunitang nagbanta ang pangulo na sasampalin niya sa harapan ni Robredo ang human rights advocate na si Phelim Kine na nagsabing handa na umano itong mag-impake patungo sa Pilipinas para tumulong sa war on drugs.
Mariin namang itinanggi ni Robredo na nakipag-usap siya kay Kine gayundin sa iba pang mga prosecutors mula sa United Nations.