Labis na ikinadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aberyang naranasan ng mga delegado sa Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ay matapos umabot sa kaalaman ng Pangulo na ngayon ay nasa South Korea ang mga hindi magandang karanasan ng mga dayuhang atleta.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, masama ang loob ng Pangulo sa mga nangyaring kapalpakan ng organizer ng SEA Games.
Sinabi aniya ng Pangulo na dapat ay ginawan agad ng paraan ng mga organizer ang mga aberya o mayroong silang contigency measures upang hindi na ito naging dahilan pa ng mga alingasngas.
Hindi umano dapat hinayaan ng mga organizer na masira ang imahe ng bansa dahil lamang sa mga ganitong uri ng sablay lalo pa at hindi lamang mga Pilipino ang nakamasid dito kundi ang buong mundo.