Tila nagiging bukas na si incoming President Rodrigo Duterte na makipag-negosasyon sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Tahasang inamin ni Duterte na hindi niya itinuturing na kaaway ang mga bandido sa kabila ng mga ginagawa nitong pagdukot at pambibihag.
Kumpiyansa rin si Duterte na may kinalaman sa matagal nang problema sa Mindanao ang mga ginagawa ng Abu Sayyaf kaya’t patuloy ito sa pagrerebelde.
Gayunman, ipinaubaya na ni Duterte sa mga bandido ang pagpapasya kung nais nilang makipag-usap o mas nanaisin na lamang ng mga ito na tingnan sila bilang kaaway ng estado.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25)