Nakahandang magbigay ng P30,000 pabuya si Pangulong Rodrigo Dutere, sa sinumang makapagbibigay impormasyon higgil sa mga opisyal na nangungupit sa ipinamamahaging emergency subsidy ng pamahalaan sa ilalim ng social amelioration program (SAP) dahil sa COVID-19 crisis.
Ayon sa tagapagsalita ng pangulo na si Secretary Harry Roque, ito’y kasunod ng mga natatanggap na reklamo sa naturang ayuda.
Nitong televised address ng pangulo , inihayag nito na nakarating sa kanya ang reklamo sa isang kagawad sa Hagonoy, Bulacan na nangongolekta ng mahigit sa kalahati ng cash aid na mga natanggap ng mga residente sa lugar.
Sa isang video na kumalat online, sinabi ng kagawad na si Danilo Flores, na mapupunta kay Mayor Raulito Manlapiz ang kanyang kukuning P3,500 na siyang ibibigay ng alkalde sa ibang hindi makatatanggap ng ayuda, pero agad itong pinabulaanan ni Manlapaz.
Samantala, iginiit ng pangulo na dapat aniya sa malinis ang kunsensya i-pagkatiwala ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan.