Nasa beast mode di umano ang Pangulong Rodrigo Duterte nang harapin ang mga mayors sa isang pulong sa Malacañang.
Ayon sa isang alkaldeng dumalo sa pulong subalit tumangging magpakilala, panay ang mura ng Pangulo habang pinag-uusapan nila ang problema sa droga.
Partikular umanong galit ang Pangulo kay Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot, isa sa mga dating heneral ng PNP na pinangalanan ng Pangulo sa nauna niyang narco-list.
Sinabi ng alkalde na matindi ang babalang binitiwan sa kanila ng Pangulo kung hindi magbabago at magre-resign ang mga alkaldeng sangkot sa illegal drugs.
By Len Aguirre | Aileen Taliping (Patrol 23)