Humingi na ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community sa mga naging pahayag nito kaugnay sa Nazi leader na si Adolf Hitler.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-37 taon na pagdiriwang ng Maskara Festival sa Bacolod sinabi ng Pangulo na wala siyang intensiyon na maliitin ang ala-ala ng mahigit 6 na milyong Hudyo na pinatay ng mga Germans.
Matatandaan na umani ng batikos mula sa Jewish community ang naging pahayag ng Pangulong Duterte na kung may Hitler ang Germany na pumatay ng 3 milyong Hudyo nais niya rin patayin ang 3 milyong kriminal sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AFP