Pormal nang nag-withdraw si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod.
Kasama ang anak na si Inday Sara, nagtungo si Duterte sa lokal na tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC para bawiin ang kanyang inihaing Certificate of Candidacy o COC.
Ito’y nangangahulugan na talagang seryoso na si Mayor Digong na sumabak sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Una nang idineklara ni Duterte na si Senator Alan Peter Cayetano umano ang magiging running mate niya sa eleksyon.
Magiging substitute naman ni Duterte ang kanyang anak na si Inday Sara.
By Jelbert Perdez