Ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ilang pulis sa Zamboanga Del Sur ang nagtatangkang buhayin ang Kuratong Baleleng Gang.
Dahil dito binalaan ng Pangulo ang mga naturang pulis na mag shape up dahil mawawalan ng pag-asang mabuhay ang mga ito sa gobyerno.
Sinabihan ng Pangulo ang mga nasabing pulis na hindi nila kaya ang gobyerno at kailanman ay hindi magtatagumpay kahit patayin pa nila siya, DILG secretary Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana o kahit ang republika ng Pilipinas.
Ang Kuratong Baleleng ay binuo noong 1986 para labanan ang komunistang New People’s Army sa Mindanao.
Binuwag ng militar ang nasabing gang noong 1988 subalit ilang miyembro umano ang nag-o-operate bilang organized crime syndicate na sangkot sa illegal activities tulad ng kidnapping, robberies at iba pang krimen.