Nagbabala si Pangulong Duterte sa Maynilad at Manila Water na kaya niyang ipa-takeover sa militar ang operasyon ng water distribution system sa Maynila.
Ito ay kung hindi titigilan ng dalawang water concessionaire ang paninisi sa water shortage para sila ay makapag taas singil.
Last night I was talking to the PSG, sinabi ko sa kanila huwag mo akong laruan na takot takutin ninyo ako, sige magsibat kami, bahala wala kayong tubig,” —ani Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng kaarawan ni dating Senate President Manny Villar sa Las Piñas.
Banta pa ng pangulo, kaya niyang suspendihin ang writ of habeas corpus para ipahuli ang mga namumuno sa dalawang water distributors na una niya nang binansagang mga ‘economic saboteurs’.
Matatandaang nakarang linggo lamang nang magbanta rin ang pangulo na sasampahan ng kasong ‘economic sabotage’ at economic plunder ang Manila Water at Maynilad dahil umano sa ma-anumalyang kontratang ipinasok nito sa gobyerno.