Nagbabala ang Pangulong Rodrigo Duterte sa taong bayan na matagal at marami pa ang mamamatay dulot ng COVID-19.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan ngayong gabi kung saan binanggit nitong tila una-una lamang ang buhay ng tao.
Matagal pa ito, sabihin ko sa inyo marami pang mamatay dito, ‘di ko lang maturo kung sino. Kaya for those people who hands me dead magdasal kayo ng husto. Ask for a COVID raise today have power ang ipagdasal ninyo. Kasi itong buhay naman patyambahan lang e’. It’s either ngayon ka bukas ako, ngayon ako bukas ka, ganoon lang ang laro diyan,pahayag ng Pangulong Duterte. Whether you like it or not the day will come when you shall have died, ”pahayag ng Pangulong Duterte.
Samantala, nagbabala naman ang Pangulo sa mga ayaw magpabakuna kontra COVID-19 na kung nais na ng mga itong mamatay ay huwag manghawa ng mga nais pang mabuhay.
May mga iba diyan na ayaw talaga magpabakuna, edi okay na ‘yan sa akin… If I were to talk to you, sabihin ko sa iyo p****** i** mo mamatay ka na kung gusto mo limang beses ang problema ang mahawa mo yung ayaw pang mamatay, gusto pang mamasyal sa Luneta. Ikaw kung nagsawa ka na sa buhay sumobra na ang pera mo o nagkulang na yunng pera mo, sawa ka na talaga sa buhay na ito gawin mo na ‘yan, ‘yon ang problema ang recontamination ”pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Agustina Nolasco