Sumabog ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang kuwestiyunin ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pagsasapubliko sa pangalan ng ilang hukom na protektor o kung hindi man ay sangkot umano sa illegal drugs at hanapan ng warrant of arrest bago sumuko ang mga ito.
Sa kanyang pagbisita sa Camp Edilberto Evangelista Patag sa Cagayan de Oro City, inihayag ng Pangulo na malinaw ang direktiba nito na pinagrereport ang mga huwes sa Supreme Court at wala aniya itong ipinaaresto.
Iginiit ni Duterte na hindi pag-aakusa ang ginawa niyang paghahayag sa pangalan ng mga Huwes kundi bahagi ito ng kanyang tungkulin bilang Pangulo na ipabatid sa sambayanan kung sino ang mga taong kakuntsaba ng sindikato.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)