Nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA), isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Binigyan ng pangulo ng isang buwan ang U.S. Embassy para ayusin ang kinansela nilang visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon sa pangulo, hindi sya mangingiming ipatigil ang pagpapatupad ng VFA kung hindi susunod ang U.S. Embassy.
Inulit rin ng pangulo ang kanyang babala na pagbabawalan nyang magtungo ng Pilipinas ang mga U.S. senators na naghain ng resolusyon na nagbabawal naman sa mga opisyal ng Pilipinas na magtungo sa Amerika.