Naghain na ng certificate of candidacy si Davao City Mayor Rodrigo Duterte pero hindi sa pagka-Pangulo kundi bilang alkalde ng lungsod ng Davao.
Nitong hapon nang mag-file ng COC si Duterte sa tanggapan ng COMELEC Davao City.
Nalulungkot si Duterte para sa mga supporter niyang umaasang siya ay tatakbo sa pagka-Pangulo.
Ngunit binigyang diin ni Duterte na wala siyang ipinangakong tatakbo siya sa pagka-Pangulo at muli niyang iginiit na wala siyang interes dito.
By Ralph Obina