Naghanda ng isang thanksgiving dinner si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga miyembro ng LGBT Pilipinas Incorporated.
Kasama sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon ang tinaguriang ‘Lord of Scents’ at multi-millionaire businessman Joel Cruz at ang naging kontrobersyal na transgender na si Gretchen Diez.
Ipinaabot ng pangulo ang kaniyang suporta sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community at iginiit na ang lahat ng anuman ang kasarian ay may karapatang kilalanin ng lipunan.
Binigyang diin din ng pangulo na dapat protektahan ang dignidad ng lahat ng tao.
Ayon kay Senador Bong Go, ibinahagi ng pangulo sa mga miyembro ng LGBT Pilipinas Inc. ang kalalagda pa lamang nitong executive order na lumikha sa diversity and inclusion program na bumuo naman sa inter-agency committee on diversity and inclusion.