Muling binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng sakit dahil sa katandaan.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung tatanungin siya hinggil sa kanyang kalagayang pangkalusugan, sasabihin niyang hindi ito maayos.
Matanda na aniya siya kaya nakararanas na ng problema sa kalusugan.
Sinabi ng pangulo, sasabihin na lamang niyang mayroon siyang sakit para hindi na aniya makipagdebate pa sa iba hinggil sa usapin ng kanyang kalusugan.
Magugunitang noong Biyernes, Nobyembre 15, muling nagpakita sa publiko ang pangulo sa kanyang pagdalaw sa burol ng mga nasawing sundalo sa Borongan, Samar tatlong araw matapos ang pananatili sa kanyang tahanan sa Davao City habang nagtatrabaho.