Inilatag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga plano nito sa pagsabak sa pampanguluhang halalan sa 2016.
Ayon kay Duterte, kanyang tututukan ang paglaban sa krimininalidad, iligal na droga at korupsyon sa gobyerno.
Tiniyak din ni Duterte na kanyang aayusin ang maraming butas sa gobyerno.
Plano rin ng alkalde sakaling palaring maging pangulo ang pagtatayo ng railway system.
By Ralph Obina