Nagpaliwanag si Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe hinggil sa kaniyang naging maagang pag-uwi mula sa Japan nuong Oktubre.
Sa muli nilang pagkikita sa bilateral meeting sa sidelines ng 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Thailand, sinabi ng pangulo na hindi niya nais agad na umalis nang maaga at hindi makadalo sa gale dinner.
Ngunit aniya kinakailangan lang niyang gawin iyon dahil sa mga kailangang ayusin sa Pilipinas.
Sinabi pa ng pangulo na isang karangalan sakaniya na masaksihan ang Enthronement ni Emperor Naruhito.
Magugunitang napaaga ang paguwi sa bansa ni Pangulong Duterte mula sa kaniyang pagbisita sa Japan matapos dumaing ng sakit sa kaniyang likod makaraan ang aksidente sa motorsiklo.