Nagpatawag ng special session sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para sa agarang pagpasa ng kinakailangang supplemental budget ng pamahalaan upang mapigil ang malawakang pagkalat at matugunan ang epekto ng coronavisus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, kapwa nagpahayag ng kahandaan sina Senate Presidente Vicente Sotto at House Speaker Alan Peter Cayetano para sa special session ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Posible aniyang gawin ito sa bukas o sa lunes ng susunod na linggo.
Dagdag ni Go, prayoridad ng mga mambabatas ang matiyak na makapagpapalabas ng karagdagang pondo para sa pangangailangang pangkalusugan, tulong pinansiyal at pagkain para sa lahat ng mga Pilipino lalu na ang maliliit na sektor.