Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng travel ban sa mga galing ng Hubei Province sa China.
Ito ay kasunod ng outbreak ng novel coronavirus.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakadepende pa sa mga mangyayari sa China sa mga susunod na araw ang pagpapalawig ng ban.
Kahapon ay kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng nCoV sa bansa
Magugunitang ang Wuhan Province sa Hubei ang itinuturing na episentro ng outbreak ng sakit. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patro 17)