Nagtalaga na ng bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katauhan ito ni Lt. General Felimon Santos, hepe ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom).
Papalitan ni Santos si AFP Chief of Staff General Noel Clement na nakatakdang magretiro sa kanyang ika-56 na kaarawan sa Linggo, January 5.
Nakatakdang pangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ceremony sa AFP sa Sabado, January 4.
Si Santos ay dating commander ng 7th Infantry Division bago naging commander ng EastMinCom.
Nagsilbi rin itong hepe ng 11th Intelligence Service Unit na nakabase sa Davao City at naging commander ng Intelligence Service Group ng army.