Maliit na bahagi lamang ng lipunan o nasa minority ang mga umalma sa anti-terrorism act of 2020.
Binigyang diin ito ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na igiit na wala sa karakter ng Pangulong Rodrigo Duterte na magpasindak sa external forces.
Wala naman aniyang ibang layunin ang Pangulong Duterte kundi protektahan ang mga Pilipino sa nilagdaang anti-terror act.
Tiniyak ni Panelo ang sapat na safeguards sa bagong batas para masigurong hindi ito maaabuso.
Una nang dumulog sa Korte Suprema ang grupo ni Atty. Howard Calleja para kuwestyunin ang legalidad ng bagong batas partikular ang Section 29 kung saan nakasaad ang detention without judicial warrant of arrest kung saan maaaring arestuhin ng anti-terror council ang sinumang pinaghihinalaang terorista.