Personal na dedesisyunan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa anti-terrorism bill.
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nais pa ring makita ng Pangulo ang rekomendasyon na isusumite ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Naniniwala si Roque na naka kiling sa paglagda sa anti-terror bill ang Pangulo.
Naniniwala rin anya ang Pangulo na hindi labag sa konstitusyon ang probisyon kung saan pinapayagang makulong ng labing apat hanggang dalawamput apat na araw ang terror suspect kahit hindi pa ito nasasampahan ng kaso.