Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga gabinete na ipatupad ang lahat ng mga proyektong maaring matapos sa loob ng nalalabi niyang termino.
Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang matulad ito noong siya ay Alkalde pa kung saan tapos na ang lahat ng kanyang proyekto bago pa man siya umalis ng opisina.
Una na ring nirebisa ng pamahalaan ang kanilang Build Build Build Program kung saan ilang mga proyekto ang tinanggal na dahil sa feasibility issue.
Magugunitang noong Nobyembre sinabi ni Senate Minority Franklin Drilon na bigo ang Build Build Build Program ng pamahalaan matapos mapag-alamang siyam pa lamang sa 75 flagship programs nito ang nasimulan na.
Unfortunately, though 2 years na lang ako pero gawain ko ito, sabi ko sa secretary ng mga departamento do not go into the projects which you cannot finish within the 2 years time left for me, gusto ko kaya nung Mayor pa ako lahat ng projects ko calibrated in the sense na pagdating ng panahon pag-alis ko sa opisina malinis lahat ang mga naka-assign sa akin in order,” ani Duterte.