Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagtayo ng mas marami pang evacuation centers sa bansa bago matapos ang kaniyang termino.
Ito ang inihayag ng pangulo sa situational briefing sa Batangas Provincial Sports Complex sa Batangas City dahil sa pag aalburoto ng bulkang Taal.
Ayon sa pangulo, dapat maging prayoridad sa pagtatayo ng mga evacuation centers ang mga lugar kung saan madalas tumama ang kalamidad.
Before I go, we must be able to build evacuation centers. Especially itong provinces that are facing the pacific ocean. They are the windows of the Philippines in terms of typhoons and calamities,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.