Paiimbestigahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga reklamo sa Southeast Asian (SEA) games kabilang ang alegasyon ng kapabayaan at katiwalian.
He will order an investigation on allegations of incompetence and corruption,” ani Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais agad pasimulan ng pangulo ang imbestigasyon kahit hindi pa tapos ang SEA games.
Nilinaw rin ni Panelo na hindi naman galit kundi dismayado lamang ang pangulo.
Matatandaan na nuong Lunes, Nobyembre 25, sinabi ni Panelo na walang plano ang pangulo na pa imbistigahan ang mga kapalpakan sa SEA games dahil humingi na ng paumanhin ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa mga naantalang transportasyon at accomodation para sa mga atleta.