Nakabalik na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kaniyang pagdalo sa ASEAN Leaders’ Gathering sa Indonesia.
Pasado alas dose ng hating gabi ng dumating ang pangulo sa Davao International Airport.
Sa kaniyang arrival speech, sinabi ng pangulo na kaniyang binigyang diin sa nasabing pagpupulong ang kahalagahan ng pagkakaisa ng ASEAN bloc.
Kasabay nito nangako aniya ang Pilipinas na mananatili ang commitment nito sa ASEAN.
Ipinarating din umano ng pangulo ang pakikiramay at pagtulong sa mga biktima ng lindol at tsunami sa Indonesia.
“The Philippines condolences to Indonesian people who suffered successive earthquakes and tsunami. In times of need, Indonesia was ready to help now we are giving back, that’s the Asian way. That’s our duty as brothers and neighbor.” Pahayag ni Duterte.