Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na personal na magtungo sa Gitnang Silangan sakaling mahirapan ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa repatriation ng mga manggagawang Pilipino doon.
Kasunod na rin ito ng paglalayag na ng dalawang barko ng Philippine Navy para pangunahan ang repatriation efforts sa mga OFW’s na posibleng maipit sa tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos sa Middle East.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahigpit niyang susubaybayan ang biyahe ng BRP Davao Del Sur at Ramon Alcaraz hanggang makarating ang mga ito sa Jeddah, Saudi Arabia.
Iginiit ni Pangulong Duterte, sakaling kailanganin ang kanyang presensiya sa pagpapatupad ng repatriation, hindi aniya siya magdadalawang isip na magtungo ng Gitnang Silangan.