Nakatanggap ng mataas na marka mula sa kanyang kapartido sa PDP-Laban ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng ikalawang taon nito sa pwesto.
Bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa July 23, inihayag ni Senador Koko Pimentel na kung tutuusin ay natupad na halos lahat ng ipinangako ng Pangulo noong 2016 presidential campaign.
Bagaman nakilala aniya ang Duterte administration sa malakas na peformance nito sa pagsugpo sa iligal na droga at krimen, mayroon pa rin aniyang hindi natutupad na pangako ang Pangulo.
Sa mga batas eh na-deliver naman namin ‘yung mga pinangako. Kung tutuusin, halos lahat ng pangako at programa sa Duterte admin ay napatupad na.. mangilan-ngilan na lang siguro ang hindi pa. Pahayag ni Pimentel
Samantala, aminado naman si Pimentel na walang perpektong pamamahala subalit sa pagkakataong ito ay natukoy ng kasalukuyang administrasyon kung ano ang mga prayoridad na dapat tutukan.
Ngayon nakikita natin na prayoridad ang enforcement ng batas lalo na iligal na droga. Dagdag ni Pimentel