Nakatakdang humarap sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi.
BREAKING: Pangulong Rodrigo Duterte, magkakaroon ng public address mamayang gabi, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/ST1L8TxEXN
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 28, 2020
Ito, ayon sa Palasyo, ay upang i-anunsyo ng pangulo ang kapalaran ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilan pang high-risk areas areas sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Samantala, magugunita namang sa isang pagpupulong ng mga alkalde ng Metro Manila noong Martes, mayorya sa mga ito ay sumang-ayon na isailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang NCR upang makapagbukas na ang ilang mga negosyo.