Nakatakdang magtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jordan matapos ng kanyang biyahe sa Israel sa Setyembre.
Ito ang kinumpirma ng Palasyo bagama’t wala pang ipinalalabas na detalye hinggil dito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, layunin ng biyahe ng Pangulong Duterte sa Jordan at Israel ang mas mapaigting pa ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansa sa middle east.
Una nang kinumpirma ni Roque ang pagtungo ni pangulong duterte sa israel sa Setyembre a-dos hanggang a-singko kasunod ng imbitasyon ni Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Inaasahang matatalakay nina Pangulong Duterte at Netanyahu ang pagpapalawak sa ugnayan ng dalawang bansa partikular sa trabaho, turismo, kalakalan, agrikultura, counterterrorism, security at law enforcement.