Naki-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines (CPP) New People’s Army (NPA) na magpatupad muna ng tigil putukan.
Ito aniya ay habang nakatutok pa ang pamahalaan sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat na gawin ng npa ang kanilang bahagi sa pamamamgitan ng pansamantalang pagpapatigil sa mga pag-atake sa puwersa ng pamahalaan.
Iginiit ng Pangulo, oras na ginawa ng mga rebelde ang kanyang hiling, gagantihan aniya ito ng kabutihan sa mga susunod na araw.
Samantala, bilang tugon sinabi ni CPP founding chairman at NDFP Chief Political consultant Jose Maria Sison na kanilang masusing pag-aaralan ang alok na ceasefire ng Pangulo.
Ito aniya ay kung pormal na iaalok ng pamahalaan hindi lamang ang tigil putukan sa panahon ng krisis sa COVID-19 kundi ang panunumbalik sa usapang pangkapayapaan.