Binigyan ng full military honors ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdating sa Great Hall of the People Auditorium sa Beijing.
Pinangunahan mismo ni Chinese President Xi Jinping ang pormal na pagtanggap sa Pangulo sa East Plaza sa tabi ng Tianamen Square.
Sabay nag-martsa sa harap ng mga sundalo sina Duterte at Xi Jinping habang magkasunod na tinutugtog ang pambansang awit ng China at ng Pilipinas.
Matapos ang seremonya ay tumuloy na ang Pangulo sa kanyang bilateral talks kay Xi Jinping.
May hiwalay ring pulong ang Pangulo kina Chinese Premier Li Kequiang at National People’s Congress Chairman Zhang Dejiang.
Inaasahang maseselyuhan sa mga bilateral meeting ang ilang kasunduang pang-negosyo sa pagitan ng dalawang bansa.
By Len Aguirre
Photo Credit: Reuters