Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na huwag magsagawa ng coup d’état laban sa kaniya.
Sa kaniyang talumpati sa ika-72 anibersaryo ng Philippine Air Force, sinabi ng pangulo na hindi malabong dumating ang araw na magdedesisyon ang AFP at PNP.
Sinabi ng pangulo na hindi na siya kailangan pang gamitan ng armas para bumaba sa pwesto.
Aniya, pwede siyang tawagan lamang ng mga ito para iparating na ayaw na sa kaniya ng mga sundalo at pulis.
Because i know that the armed forces and the police will have to decide one day, somehow. Do not do it please during my term. I told you before, kung ayaw ninyo ako, do not bring your weapons and mechanized iron there. Just call me, we will coffee, and i am ready to say, ‘it’s yours,” ani Duterte.