Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na nasa Russia na sumunod sa batas at huwag gumawa ng anomang ikakasira ng relasyon sa Pilipinas at ng Russia.
Ito’y matapos atasan ng Pangulo ang embahada ng Pilipinas sa Russia na i-proseso ang renewal ng mga expired na passports ng mga pinoy sa Russia.
Ayon sa Pangulo, hindi na kailangan pang umuwi ng pinoy na overstaying at patago -tago para ayusin ang kanilang mga dokumento dahil maaari aniya itong idaan sa understanding na maaring lagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia.
Tanging pakiusap lang ng Pangulo sa mga pinoy doon ay sumunod sa batas.
Kaugnay nito’y pinasalamatan ng Pangulo si Russian President Vladimir Putin sa maayos na pagtrato ng kanilang pamahalaan sa ating mga kababayan na nasa kanilang bansa.