Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa MNLF o Moro National Liberation Front at MILF o Moro Islamic Liberation Front na huwag papasukin at huwag kupkupin ang mga teroristang grupo partikular ang Maute Group at iba pang grupo.
Sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Siongco Hospital sa Awang, Maguindanao, sinabi ng Pangulo na mapipilitang habulin ng militar ang mga terror group sa balwarte ng mga ito kapag hinayaang magkanlong sa kanilang mga kampo.
Idinagdag pa ng Pangulo na hindi niya hahayaang maulit ang Mamasapano incident na isa aniyang malaking pagkakamali ng dating administrasyon.
Pakinggan: Pahayag ni President Rodrigo Duterte
Binigyang-diin ng Pangulo na ibang istorya na kapag pinayagan ang Maute Group at Abu Sayyaf Group sa mga lugar na balwarte ng MNLF at MILF dahil tabla tabla na lang.
Iginiit pa ng Presidente na pinagbigyan na niya ang mga kahilingan ng Moro Groups kayat dapat ay pakinggan din ang mga pakiusap nito para sa kapayapaan ng lahat sa Mindanao.
Pakinggan: Tinig ni President Rodrigo Duterte
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping