Nananatili pa rin ang kumpiyansa at tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
Ayon iyan kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo sa harap ng kaliwa’t kanang panawagan ng ilang senador sa Pangulo na sibakin ang BuCor Chief.
Giit ni Panelo, hangga’t hindi kumikibo o nagbibigay ng komento ang Pangulo nangangahulugang buo aniya ang tiwala nito kay Faeldon.
Naging kontrobersyal si Faeldon nang mabuking na pirmado niya ang release papers para kay ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez gayundin sa apat na Chinese convicted drug lords gamit ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Gayunman, sinabi ni Panelo na ang Pangulo pa rin ang may huling pagpapasya sa kapalaran ni Faeldon kaya’t makabubuting hintayin na lamang na magsalita ito.