Nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamataas na approval at trust rating sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno sa huling bahagi ng 2018.
Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Disyembre 14 hanggang 21, nakapagtala ang Pangulo ng walumpu’t isang (81) porsyentong approval rating para sa buwan ng Disyembre na mas mataas ng anim (6) porsyento kumpara noong setyembre.
Maliban dito, tumaas din sa pitumpu’t anim (76) na porsyento ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa Pangulo kumpara sa pitumpu’t dalawang (72) porsyento noong ikatlong bahagi ng 2018.
Samantala, nakakuha naman si Vice President Leni Robredo ng 62 percent na approval at 56 percent na trust rating habang si Senate President Tito Sotto III naman ay nakapagtala ng 76 percent na approval at 66 percent na trust rating.
Pinakahindi gaanong pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno naman si House Speaker Gloria Arroyo na nakuha ng may pinakamababang rating na nasa 27 percent na approval at 21 percent na trust rating.
—-