Nanawagan ang Pagulong Rodrigo Duterte ng nagkakaisang aksyon para malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bahagi ito ng talumpati ng pangulo sa 36th ASEAN Summit na dinaluhan ng mga lider ng bansa sa pamamgitan ng video teleconferencing.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque isinulong ng pangulo ang greater economic cooperation at region connectivity lalo na sa usapin ng sustainable supply chains, human resource development at karapatan ng migrant workers.
Binanggit din aniya ng pangulo ang kahalagahan ng pagkakaruon ng systematic changers sa ASEAN para epektibong matugunan ng mga bansa ang pinsalang idinulot ng pandemya.
Sinabi ni Roque na winelcome din ng pangulo ang pagtatatag ng ASEAN COVID-19 response fund na pagtutungan ng ASEAN countries.