Hinding-hindi ko bibiguin ang sambayanang Pilipino.
Ito ang pangako ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasunod ng pangunguna niya sa bilangan sa pagka-pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Duterte, handa niyang tugunan ang pagka-uhaw ng mga tao para sa tunay na pagbabago.
Ang tangi aniya na kanyang pinagsisisihan ay pagkawala ng privacy ng kanyang pamilya.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Rodrigo Duterte
Cayetano
Hindi naman makakalimutan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang ka-tandem na Senator Allan Peter Cayetano.
Ito ay matapos na bigong masungkit ni Cayetano ang unang pwesto sa mga kandidatong para sa ikalawang pangulo.
Ayon kay Duterte, may laya si Cayetano na mamili ng posisyon sa kanyang gabinete partikular ang maging kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) o kaya naman ay sa Department of Justice.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Rodrigo Duterte
By Rianne Briones