Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na poprotektahan at pangangalaan ang aniya’y napakaselang kapayapaan sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Davao City, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga Filipino na tignan ang okasyon bilang paalala sa hangarin ng bawat isa na matamo ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan lalo na sa Mindanao.
Tiniyak din ng pangulo na hindi niya hahayaan ang anumang pangmamalupit laban sa komunidad ng mga Muslim at iba pang mga katutubo.
We will consistently uphold the rights and welfare of all Muslim Filipinos, and for that matter for all Filipinos. Any form of violence against the Muslim community or any other tribe especially those arising from religious extremism, hatred, discrimination and misguided beliefs will never be tolerated,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Umaasa rin si Pangulong Duterte na magiging daan ang pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa mas makabuluhan at mapayapang relasyon sa bawat katutubong grupo sa rehiyon.
With the creation of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, the campaign promise that we delivered, we can work more closely and efficiently with their Bangsamoro brothers and sisters to foster a more harmonious and meaningful relationship among all ethnic groups in the region,” dagdag pa ng pangulo.