Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mananalong Presidente kung ngayon gagawin ang eleksyon.
Batay ito sa resulta sa ikalawang linggo ng Boses ni Juan 2016.
Nakuha ni Duterte ang 31.34 percent ng mga boto, pumangalawa sa kanya si Senador Grace Poe na nakakuha ng 20.15 percent ng mga boto at pangatlo si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 14.93 percent ng mga boto.
May 11.19 porsyentong boto si Senador Bongbong Marcos, 6.716 na porsyento kay Miriam Santiago, 5.224 porsyento ang kay dating Senador Panfilo Lacson at 4.477 na porsyento ang kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Ang mga botong nadagdag sa resulta ng Boses ni Juan noong nakaraang linggo sa Metro Manila ay nagmula sa Legaspi, Naga, Dagupan, Cebu, Iloilo, General Santos City, Davao, Cagayan de Oro at Palawan.
By Len Aguirre
Narito ang listahan ng resulta ng Boses ni Juan 2016 Survey (Updated):
https://www.dwiz882am.com/index.php/boses-ni-juan-2016-survey-result/