Nananatili pa din sa unang puwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa resulta ng panibagong Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABS-CBN.
Ginawa ang survey noong Abril 5 hanggang 10.
Sa tanong na, “Kung ang darating na eleksyon sa Mayo 2016 ay gaganapin ngayon, sino po ang inyong iboboto bilang Presidente ng Pilipinas?” 32 percent ang nagsabi na ang kanilang iboboto ay si Duterte.
Sinundan ito ni Sen. Grace Poe na may 25 percent; at Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 20 percent.
Mayroon namang nakuhang 18 percent si dating Sec. Mar Roxas at isang porsyento naman ang nakuha ni Senator Miriam Santiago.
VP
Halos magkakalapit sa unang puwesto, ang tatlong vice presidentiables sa resulta ng panibagong survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS – CBN.
Sa survey, nakakuha ng 27 percent voter preference si Senator Bongbong Marcos; 23 percent naman si Senator Chiz Escudero at mayroon namang 21 percent si Congresswoman Leni Robredo.
Nakakuha naman ng 17 percent si Senator Alan Peter Cayetano; 4 na porsyentop si Sen. Gringo Honasan at 3 porsyento naman ang nakuha ni Sen. Antonio Trillanes.
Senators
Nangunguna pa din ang mga reelectionist sa pinaka huling survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS – CBN.
Sa panibagong survey, nakakuha si Sen. Franklin Drilon ng 51.6 percent voter preference.
Sinundan siya nina Sen. Tito sotto na may 49.8 percent; Kiko Pangilinan na may 46.8 percent at Ping Lacson na may 40.8 percent.
Nasa top 13 din sina Migz Zubiri na may 38.9 percent; Cong. Manny Pacquiao na may 36.3 percent; Joel Villanueva at Ralph Recto na kapwa may 35.6 percent.
Nakakuha naman ng 34.2 percent si Sen. Serge Osmeña; 33.8 percent naman ang nakuha ni Dick Gordon; 33.7 percent naman ang nakuha ni Risa Hontiveros.
Nasa top 13 din, at nakakuha ng 32.3 percent si Leila de Lima at Win Gatchalian na mayroong 31.5 percent.
By Katrina Valle